🍧Karagdagang Impormasyon tungkol sa Bored Ape Yacht Club

  • April 2021: Ang Bored Ape Yacht Club ay unang lumabas at ang mint price ay 0.08 ETH noon, na ang value ay $192. Ang floor price ng koleksyon, ang pinakamurang NFT base sa selling price, ay mas mababa pa. Ang pinakamurang BAYC NFT ay nabenta sa halagang 0.03 ETH, o mga $70.

  • Makalipas ang siyam na buwan, ang BAYC floor price ay 100 ETH, o mga $290,000. Nagkaroon ng 145,000% na pagtaas. Ang kagila-gilalas dito ay ang mga floor price NFTs pa ang pinaguusapan natin – ang mga rare ay nabenta ng umaabot sa milyon at mas malaki pa ang naging ROI. At kung parang hindi pa iyong sapat, nakapagbigay pa sila ng dagdag na value sa pamamagitan ng MAYC airdrop at minting ng Kennel.

  • Ang mga Mutant Apes ay nalilikha sa pagbibigay ng isa sa tatlong posibleng serum variations sa isang Bored Ape, at noong una, ang mga holder ay bingyan ng serum. Ang nagging resultang panibagong NFT na ngayon ay kasama na sa Mutant Ape Yacht Club collection na may floor price na 22 ETH, o mga $64K. Muli, floor price ang pinaguusapan, kaya itong presyo na ito ang pinakamababa sa koleksyon.

  • Tingnan din natin ang Bored Ape Kennel Club. Ang koleksyon ay kasalukuyang may floor price na 8 ETH, o mga $23K. Ang koleksyon na ito ay hindi galing sa airdropp, pero ang BAYC owners ay nakapagclaim ng kanilang companions sa pamamagitan lamang ng pagbayad ng maliit na gas fees na kinakailangan para sa mint.

  • Ibig sabihin, suma total ng lahat ng nasa itaas, ang paghawak sa isang Bored Ape NFT at pagkakaroon din ng MAYC at BAKC ay nakapagbigay na sa mga holder ng mga $377,000 in value sa kasalukuyan.

Last updated